nyap, wala na yatang nagbabasa ng blog ko! may mga nagta-tag, dumadagdag araw-araw yung mga numero sa counter ko, pero sa palagay ko, wala naman talagang nagbabasa ng blog ko.
kunsabagay. minsan, hindi, palagi, yung mga recent posts ay masyadong malalim para sa panlasa ng masang pilipino. pero hindi ko na ipapangakong baguhin iyon.
eto ako. ganito ako mag-isip kapag tinopak.
whatever. dahil impersonal ang posts ko, ill give it a break and write something really personal...sa mga gustong makaalam, kung sakali. ^_^
so. love life!
um. umiibig ako ngayon sa isang lalaking nangangalang geronimo. ang nickname ko sa kanya ay Cc. ang pakiramdam ay yung tipong this iz eet! pero siyempre, malay natin. sa ngayon...
mabait siya. pero teka. kung ang pagiging 'mabait' ay nasusukat sa pagbibigay ng lahat ng kailangan mo, lahat ng gusto mo, kahit na rin yung mga bagay na hindi mo kailangan at hindi mo naman talaga gusto, aba, eh, kulang ang salitang
mabait para i-describe si cc!
kakaibang tao si cc. baluktot din mag-isip, tulad ko. kaklase ko rin sa unibersidad ng pilipinas. aktibista. sensitibo. kakaiba.
nung una kaming nagkakilala, nakapila kami sa RH- 227 para sa advising. suot ko noon yung outfit ko na kulang na lang ay electric guitar. nagugutom, nangangalay, naiinitan, napapagod--- yun lang yung reklamo ko sa loob-loob ko. naka-off rin yung hi-my-name's-lizette mood ko.
napaka-unromantic na setting!
anyway. kung ano man iyon, may kakaibang hangin ang umihip at naisip kong kausapin yung lalaking nasa likod ko, na hindi ko naman napansin na naroon pala.
"Hi. my name's lizette. ano yung course mo?" naibulalas ko bigla.
"Polsci."
"Ah, pareho tayo! ano yung block mo?"
"Um...ano yung block?"
"Yung nakalagay sa form five natin."
"Saan yon?"
At itinuro ko nga. ayun. pagkalabas ko ng room sabi ko yata "see you around" sa kanya and promptly put him out of my mind.
so much for the beginning of an explosive, whirlwind romance. ^_^
hindi ko man lamang tinanong yung pangalan niya.
o kung sinabi niya man, hindi ko naalala.
so ayun! dun nagsimula ang lahat. hindi pa kami (matapos ang ilang beses kong tangkain na sagutin siya!) at matagal pa iyon, sa ugali ng lalaking ito. san ka ba makakapulot ng lalaking nanliligaw pero ayaw sagutin siya? hmpf. kung ano man iyon. hah, ngayong wala na siyang panakot sa akin, dudugo muna siya bago siya magkaroon ng kasintahan na nangangalang lizette lanuzo! nyahahahaharhar! (evil laugh)
pero kahit ano ang mangyari, mahal ko nga talaga yung gagong yon. siyempre, tulad ng sabi ng nanay ko, pag-aaral muna, at siyempre, sinusunod ko. mahaba pa ang panahon para umibig, matuto, at masaktan.
hindi kailangang magmadali.
so cc, the bottom line is...
i love you.
see you around.