Wednesday, November 23, 2005

Nag-aapoy Na Sticker Kuno

tumataba na ako. mahirap tanggapin ang masaklap na katotohanan, pero...tu...tu-tu...tuma...ta...ba... na ako.
argh!
susmaryosep, marami akong masisisi! si mama! una, dahil sobra ang binibigay niyang baon sa akin. napapakain ako ng marami kahit hindi ko naman intensyon. kapag nasa RobManila na kami ay hindi ko na mapigilan lumamon...ng lumamon...ng lumamon. hindi rin nakakatulong na ang mga madalas kong kasama ay walang pakundangan tumira ng pagkain.
ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan (na itago na lang natin sa pangalang Betch) ay tumataba na rin. nga lang, ang pinagkaiba namin ay siya WALANG PAKIALAM. at ako, well, hulaaan niyo! kapag nakita niyo siya (na nakatago sa pangalang BETCH) ay mukhang matinong nilalang. pero kapag nagkwento na siya tungkol sa food intake niya, hala! mahaHALA! na lang. kunsabagay, sino ba naman ang may self-control kung ang refrigerator niya ay puno ng tsokolate? ha?
dumako naman tayo sa isa ko pang matalik na kaibigan na itatago sa pangalang Cc. si cc ay mataba na talaga. at tumataba pa siya. wala rin siyang pakialam sa timbang niya. ayan, sige, lamon din ng lamon, walang pakialam kung atakihin sa puso o masagasaan ng tren!
minsan, nahihirapan akong maintindihan sila. bakit ganoon? walang butong weight conscious sa kanilang dalawa. hindi ba nila nararamdaman ang pressure ng buong mundo para maging payat? hindi ba sila natatakot na malagyan ng nag-aapoy na sticker sa noo nila na nakalagay (in pink) na "MATABA AKO!"?
ahhhhhhh...
yun ang problema sa akin. masyado akong may pakialam sa sasabihin ng iba (hoy Paul!), kahit na yung mga hindi ko kakilala. masyado akong naimpluwensiyahan ng mga magazine, libro, at mga palabas na napapanood ko sa telebisyon kung paano ako dapat maging ako. nadiktahan ako ng mga mukhang blanko na nakapaligid sa akin, at dahil sa aking maitim na imahinasyon, nalalagyan ko ng panghuhusga ang kanilang dati'y blankong mukha.
tama ba yon?
hindi. kailangan nang magbago.
ng pananaw.
***
pero, even though, ayoko pa rin tumaba. for practical reasons. una, kapag sale, mahirap maghanap ng damit na kakasya sa iyo. yung mga sizes kasi na available, limitado dahil naguubos na lang naman sila sa imbentaryo nila. pangalawa, mahirap magplantsa ng mga malalapad na pantalon at blusa. unnecessary hassle. pangatlo, ayokong magtapon o amagin ang mga damit na meron na ako. sayang at sa aking paningin, maganda sila. gusto ko pa sanang magamit, siguro, kahit 46 years old na ako. :P

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home