Ego Defense Mechanisms
sabi ni Freud, bawat tao ay gumagamit ng Ego Defense Mechanisms. pinapadali ng mga ito ang pagtanggap sa katotohanan, o kung sasabihin ng diretsahan, pinapadali nito ang halos na matagumpay na pagsisinungaling sa sarili.
isang tipo ng mekanismong ito ay ang paghahanda sa sarili na masaktan o mahirapan. kunwari alam mo na makikipag-hiwalayan na sa iyo ang pinakamamahal mong kasintahan. maaari ay masabi mo sa sarili mo na "Ayos lang. Wala na rin namang kwenta magpatuloy pa" o kaya, "Hindi naman talaga siya ang para sa akin". at malupit, "Hindi ko naman talaga siya mahal".lahat ng mga saloobin na ito ay makakatulong iligtas ang pride ng isang tao sa sitwasyon na binaggit ko.
hindi pa nangyayari ang sakuna, handa ka na.
maganda yung ganoon, parang kapag alam mo nang lulubog ang barko eh gumagawa ka na ng maliit na bangka gamit ang maraming maong na pantalon at tinitipid mo na rin ang mga daga at ihi mo para may makain at may mainom kapag nagkataong maubusan. basta alam mo na.
ganoon din kapag alam mo na malapit ka nang iwanan ng taong pinakamamahal mo, matapos ang lahat. muli, binabalikan natin ang naunang halimbawa.
ang sitwasyon ay mahal na mahal mo siya at mahal na mahal ka rin niya. wala namang problema sa inyo. wala namang tutol. walang mga isyu. magandang set-up.
pero mas mahal niya ang isa pang bagay, tao, entity. mamili ka.
at natatakot kang yun ang pipiliin niya (gising pa ba kayo? pasensya. mahaba. tiis.). maraming madilim na pantasya ang kumukulo sa isipan mo. ang mga pwedeng mangyari..o hindi mangyari...kapag wala na siya. iniisip at inaalisa ang isang bagay na puso lang dapat ang gamit.
eh ano ngayon?
mas maganda ang pakiramdan kung ang isang bagay na nakakasakit sa damdamin ay masasa-walang bahala gamit ang makitid na pag-iisip. mas masaya kung iisipin na lang kesa maramdaman. mas madaling magsinungaling. magpanggap. magpasensya. magtiis.
magpaka-martyr.
yan ang tinatawag na Ego Defense Mechanisms.
***
kapag nagpalit na nang itsura ang blog ko, may masamang nangyari.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home