Libre
Binabaha ang buong Maynila at nauuhaw ako.
Nakasakay na ako pauwi nang Cavite. Nung dumaan ang bus sa Lawton hinintay ko ang mga naglalako ng pugo, fish crackers, kendi--- at tubig. Nguni’t walang umakyat ng bus. Dumaan ang aking sinasakyan sa Pedro Gil, sa Baclaran, pero talagang walang pumasok sa bus para magtinda.
Malakas ang ulan. Makikita mo ang limang dipang taong parang mga langgam na hindi alam kung saan sisilong, at sa may mga payong naman, kung saan may masasakyan.
Wala na akong ibang magawa kundi tumingin sa kawalan. Hindi ko maiwasan magmuni, sapagkat kapag nasa bus ako, napapaisip ako nang malalim, lalo na kung malayo ang patutunguhan ko. Kapag tumitingin ako sa salamin na nasa gilid ko, aking nakikita ang repleksiyon ng aking mukhang masaya o nagdurusa, kontento o nanunumbat. Para itong konsensiyang humahalakhak at nagtatanong kung sigurado akong ako ang tunay at hindi ang mukhang nasa salamin.
Malay natin.
Malay natin.
Noong una kong nalaman na ibinebenta ang tubig na nasa loob ng plastic na lalagyan, nawindang ako. Bakit naman? Sino nga ba ang bibili ng tubig na dapat ay libre sa bawat tao? Para sa akin noon, nung bata ako, ang libreng tubig ay karapatan ng lahat, tulad ng kalayaan.
Pero ano ba ang libre ngayon?
Hindi libre ang pag-ibig.
Hindi libre ang kalayaan.
Hindi rin libre ang tubig.
Pero ang tubig nabibili sa sampung piso lang. Magkano ba ang pag-ibig o kalayaan ngayon? Wala sigurong makapagsasabi
Pero isa lang ang alam ko.