Thursday, September 15, 2005

Ang Paborito Kong Tao

Ang pangit naman pakinggan, ang "ang paborito kong tao". Parang ang paborito kong kendi, ang paborito kong panti o ang paborito kong maxi pad. Parang tugma eh. Pero siyempre, tulad ng maraming bagay, hindi.
Charisse ang pangalan niya. Nakilala ko siya nung... (kailan nga ba?). Basta. Napansin ko lang na napaka-payak niya. Mayroon siyang maamong mukha na hindi artipisyal na parang plaster at matigas tulad ng iba. Simpleng manamit. Minsan, nasabi ko na sa unang tingin lang hindi ako magdadalawang isip na ipagkatiwala ko ang buhay ko sa kanya.
Ganoon ang epekto niya sa akin.
Bago ang lahat, gusto kong linawin na hindi ako lesbiana. Hinahangaan ko siy sapagkat konti na lang ang babae sa mundo ngayon na katulad niya na payak at hindi peke. Mas maraming babae ang maraming kaartehan sa katawan---tulad ko.
Minsan naiinggit ako. Gusto kong maging katulad niya. Parang mas masayang simple at walang pagba-balatkayo, yung hindi iisipin ng trenta minutos kung ano ang susuutin, kung maayos ba ang pag-blower sa buhok kaninang umaga, kung ano ang matinong face powder, Johnson's and Johnson's o Ponds?
Naiinggit ako.
Naiingit ako dahil nilamon na ako ng mundo, kasama ng lahat ng intriga at problema nito. Naiinggit ako dahil hindi na ako inosente tulad niya, dahil alam kong sa kahit anong segundo lang ay tutunawin ako ng sikmura ng mundong lumamon sa akin. Naiinggit ako dahil masyado akong maraming nalalaman, katulad ng mga bagay na ito.
Im just stressing myself out.
Speaking of stress.

"Clench your fists. Yan. Ganyan. Tapos, inhale. Exhale. Yun lang. Tapos na!", sabi ni Charisse sa report niya sa PE, habang masayang nakangiti at namimigay ng meditation tips na nasa papel.

Sobrang pagod na ako noon. Malapit na sa burn-out stage ng stress. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay kong komplikado. Puta.
Ang nakakiba pa, hindi kami close ni Charisse. Pero sa sandaling kailangan ko ng solusyon sa buhay kong magulo at nakakasakit ng ulo, nandoon siya para bigyan ako ng simpleng paalala.

Inhale, exhale.

Kaya siya ang paboritong tao ko. Simple.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Ang saya...

Ang ganda talaga ng mga sinusulat mo, pagpatuloy mo pa :)

2:01 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home