Friday, September 02, 2005

Di Raw Mahilig

Hindi ako mahilig manood ng mga palabas tulad ng Encantadia, Kampanerang Kuba, Sugo, lalong-lalo na yung Darna. Ewan ko lang ha, pero parang lahat ng mga bida (buwisit, pati pa nga yung kontrabida!) “intellectually challenged”. In other words, bobong maliwanag!
Hindi nga ako mahilig manood, pero minsan naaabutan ko ang mga kalokohan nila sa tv. At ewan rin, nahy- hypnotize ako. Hindi ko na napipigilan. Maya-maya ay napapansin ko na lang na engrossed na ko sa Darna. Tapos, Encantadia naman. Tapos, Sugo. Tuloy, medyo alam ko yung storyline. Kainis.

Darna: Tigilan mo yan!
Kalaban: Hindi mo alam ang pinagdaanan ko!
Darna: YAAAH!
Tapos masasapok si Darna. Tapos ang gagawin nung kalaban i-wrewreslting siya. Tapos, si Darna imumudmod sa lupa. Hay. Akala mo walang super powers! Yung kalaban nga eh nangunguha lang ng boses tapos si Darna may laser eyes, may tornado power, may lakas ng isang daang leon, tapos malaki pa ang boobs niya! San ka pa?

Pero di lang yan ang nakakinis. Ito kasing nanay ko, hard-core fan ng mga palabas na inilista ko sa itaas. Pag dating niyan sa bahay at pagkatapos magluto, hihiga yan sa sofa tapos mahy-hypnotize din.

Alena: Huhuhuhu!
Ibarro: Sino ang pumatay sa anak natin?
Amihan: May mga bagay na hindi na dapat malaman…

Lizette: Maaaaah! Sino ang pumatay sa gagong yon?
Mama: Ba ewan ko! Di naman ako nanonood niyan eh!

Yan ang ayoko sa nanay ko eh. Eto yung mga tanong na kailangan kong malaman sa oras na yon, sa minuto at eksaktong segundo pagkalabas ng tanong. Yun bang parang ikamamatay mo pag di mo agad nalaman? Ganon! Tapos siya pfft hindi niya alam pfft ? gusto ko lang namang malaman kung sino ang pumatay sa anak ni Alena eh!

Ang sabi ko nga, di ako mahilig. Naaabutan ko lang minsan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home