Ang Mamang Alam Ang Lahat
Nakaupo ako ng matiwasay sa isang St Anthony nang biglang may bumulalas sa likod ng upuan ko:
“Putangna tong bansang to wala na tayong mapapala dito! Dapat talaga magsi-alisan na ang mga Pinoy dito dahil wala nang pag-asa ang Pilipinas!”
Ang sabi naman ng kasama niya: “Oo nga. Tama ho kayo.”
“Talaga. Tignan mo nga nagtataasan na ang lahat ng bilihin dahil sa lintik na pagtaas ng presyo ng gasolina! Pero kunsabagay sa ibang bansa lalong mas mataas ang presyo. Kaya lang, mataas naman ang sweldo.”
Mukhang nagkita lang ang dalawang mokong sa bus papunta ng Lawton.
Mamang kasama: Di kayo nagakamali. Bakit hindi kayo magtrabaho sa ibang bansa?
Mamang maingay: Eh sitenta anyos na ako eh. Wala nang tatanggap sa akin.Bakit ikaw ilang taon ka na ba?
MK: Trenta’y nuebe.
MM: O pwede ka pa! Tatanggapin ka basta hindi ka lalampas ng kwarenta. Kung ako sayo maghanap ka na ng ibang trabaho. Dun ka lang kikita ng pera. Kasi, kung sa Pilipinas ka lang mabubulok ka.”
MK: Parang ganon na nga siguro. Teka lang san ba ang lakad niyo?
MM: Sa Harrison Plaza. Iinom ng kape. Wala naman kasi akong trabaho.
MK: Hah? Ang layo naman yata ang iinuman ninyo ng kape? Bakit di na lang kayo magpahinga sa bahay?
MM: Kapag nasa bahay kasi ako eh nanghihina ako. Mabuti na ang nakakapag-ehersisyo para mabanat ang buto.
MK: San kayo nakuha ng pang-ehersisyo niyo? (sadyang makulit ang mamang ito)
MM: May natulong naman sa akin eh. Basta pag asingko maraming nagbibigay. Tama na sa akin iyon.
MK: …
MM: May anak akong nagtatrabaho sa Starbak sa Saudi. Don maliit lang yung sweldo pero yung tip, lintik na yan, dun lang siya nakakabawi. Maganda rin sa Starbak kahit dalawang taon lang ang kontrata niya.
MK: …
MM: Malapit ka na bang bumaba?
MK: Oho.
MM: O sige ha. Basta tandaan mo lang yung sinabi ko at nang hindi ka magaya sa akin.

1 Comments:
God is dead.
man is by nature good.
by virtue of the existence of anything, it is perfect.
man does good in the hope of the eternal reward.
God is dead.
man needs no motivation to do good but himself.
man is by nature good.
man is perfect by virtue of his existence.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home