Distansya
Mahabang panahon kaming nagsama. Sa iyakan. Sa korning tawanan. Sa kabagutan sa mundo, lalo na kay Ms. Vangie.Nung grumadweyt kami, maigting ang mga pangako na hindi magkakalimutan, at di mawawala ang pinagsamahan.
Hindi nga nagkalimutan.
Nasan ang pinagsamahan?
Nasa Netopia ako ngayon at mukhang may malawakang pagtitipon mamaya ang mga ka-batchmates ko sa Quantum. Nakita ko yung iba kanina, kasama ang matalik kong kaibigan. Pero iba na eh. Hindi na tulad ng dati.
Siguro sa akin lang yon. Pero nawawari ko na iba na talaga ang aming mga mundo. Iba na ang mga bagay na pinagtatawanan at kinababagutan. Wala na yung mga araw na lahat kami poot kay Ms Vangie at kay Ms Gigi at kay Sir Alex. Ngayon, kay Ms Zaragosa, Ms De Luna, Mr Magboo, at kung sino pang Honcio Pilato ang magaling na nagpapa-ikot ng aming mga klase.
Wala na yung mga araw na lahat ng joke naming bulok ay naiintindihan namin. Hindi na. Milyon milyon kasi ang mga maliliit na bagay na hindi na naikwe-kwento o nababaggit; hindi na na-eexperience ng sama-sama.
Iba na talaga. Ilang buwan lang ang lumipas, ngunit malawak na ang distansya.
Muli, siguro sa akin lang. Kunsabagay, di ko na sila masyadong sinasamahan. Nakupkop na ako ng UP. Unti- unti nang nagbabago ang mga paniniwala ko, lalo na ang aking pagkatao. Marami na akong napapansin na gusto kong tamain; marami akong gustong malaman at gawin pa.
Siguro ganun nga. Hindi ko na sila naiintindihan.
Hindi na nila ako naiintindihan.
Ang aming mundong ginagalwan ay hindi na Atheneum.
Lahat ay nagbabago.
Kasama ang mga pangako.
At kung distansya lang ang pag-uusapan...
Lahat ng pangako ay babagsak din sa kawalan.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home