Berday Parti
soulshaker
Nung isang araw ay berday ng pinsan ko, si Vicente. Pitong taong gulang na siya. Hindi kami close at hindi ko rin siya paborito; ang naaalala ko lang sa kanya ay sumasayaw siya dati pag kinakanta ko yung kanta ni Jolina Magdangal.
Sa totoo lang ayokong magpunta dahil may LBM yata ako noon, o ulcer. Basta! Masakit ang tiyan ko. Pero natitimbre na naman ang boses ng aking ina na “Lizette pag hindi ka sumama dot dot dot”, masama ang maaaring mangyari.
Kaya ano ba ang magagawa ko?
At pagkain din yun no, masakit man ang tiyan o hindi.
Nagsimulang nagdatingan ang tito at mga tita ko. Siyempre, kasama ang mga pinsan ko. Tinatanong ko sila lahat kung kilala nila ako. Si Dexter, yung pinakabata, tinitigan niya lang ako ng matagal hanggang tumulo yung laway niya.
Tapos nilaro niya na lang yung kotse niya na Mickey Mouse.
Kunsabagay di naman ako nalabas ng bahay. Suplada pa. Kaya nakipag-bonding na lang ako sa kanila.
At siyempre, meron bang berday parti na walang picture- picture? Dala ni tito yung gigicam niya at isinabalikat ang mabigat na misyon: kuhanan kaming magpi- pinsan ng maayos. Siyempre kaming mga gurang na henerasyon madaling kausap at pa-cuta lagi. Pero yung mga bata parang laging merong rebolusyon. Si Sam, pitong taong gulang din, na kapag nag-flash na yung kamera ay tumatalon ng tumatalaon ng walang malinaw na dahilan. Si Dexter naman ay merong “Burlesque King Pose” kung saan ay hinahawakan niya ang kanyang leeg kasama ang mapang- akit na tingin.
Matapos ang lahat ay nagkaroon din ng bonding kaming tatlong babaeng magpi-pinsan na tinedyer na, kasama ang mga tita. Kuwentuhan ng mga manliligaw noon at ngayon. May titang hinihimok ang pinsan kong malandi na mag- audition sa isang shampoo commercial.
Lintik.
Huli sa lahat, may star of the show din. Ito ay si Uchiro, ang 15,000 pesos na psychedelic na aso ni Tita Edna. Para siyang munting basahan ng banyo na hindi nilalabhan. Pero cute siya, patakbo- takbo, nilalapitan ang lahat ng nagchoo- choo. Kinakagat ang kahit ano: paa, kamay, tsinelas, sofa.
Pero siempre walang tatalo kay Bogart.
Kung iisipin minsan ko nga lang silang makasama. Nakaka-miss din ang tipikal na Pinoy na berday parti. Pamilyang nagsasama- sama sa mundong sumobra ang lawak dahil sa pagpapa- buti ng komunikasyon. Iba pa rin kapag nandiyan sila.
Eto asteeg.
Nawala ang sakit ng tiyan ko.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home