Bakit Malaswa Sumayaw Si Jollibee?
Matapos ang mahabang linggong nakasubsob sa libro, nakarating kami ni Betch at Geronimo sa Los Banos. Birthdy kasi ng kapatid ni Betch, kaya ayun, swim to sawa.
Ang saya nung weekend! First time kong matulog ng nagsasalita. Tabi kami ni Betch, at kung anu-ano ang napag-usapan namin. Tagal rin non. Hindi ko na maalala kung ano yung pinagsasabi naming dalawa, pero hindi ko malilimutan yung pakiramdam.
Medyo late na kami nagising dahil doon, kaya mga 8 na kami nakarating sa Los Banos. Sabik ang lahat sa pool. Within five minutes, babad na kami. Yun, swimming. Tapos tulog din sa gitna ng tanghali. Pagkagising, kumain at nakipag-tsikahan sa mga tita ni Betch. Napag-alaman namin ni Geronimo na malas, malas talaga ang magiging bf ni Betch. Malas. Malas talaga.
Pagkatapos non, dumating yung party guya mula sa Jollibee Los Banos. The usual stuff.Hindi ko alam kung paano, pero napagbalakan namin na itulak sa pool si Jollibee. Mas lumakas ang conviction na iyon nung sinayawan niya ang isang matandang babae ng macho dancer dance.
Nung padaan siya sa pool para umalis na at magbihis, kinapitan siya ni Geronimo sa braso at kinausap siya. Medyo na-off balance si Jollibee noon, yung off-balance na tipong mahuhulog...
All in all, masaya ang katapusan ng linggo. (Am I being redundant?). Basta. Maitim ako, pero masaya.
***
Moving on. Back to reality. Eto na naman ang mga maliliit na problema sa buhay. Napag-atasan akong tulungan ang isang lalaking hindi alam ang gagawin. Sino ang nag-atas? Siya. Tignan natin, o magiting na lalaki. Tignan natin.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home