Wednesday, March 01, 2006

Puwing

Sanay na siyang maghabol. Siya kasi yung tipong ng tao na napag-iiwanan---ng berdeng signal ng ilaw pantrapiko, ng bus, ng pag-ibig. Sa totoo lang, hindi na bago ang mga pangyayaring tulad ng walk-out, pagpatay ng cellphone pag tinatawagan, at kung anu-ano pang drama na maaaring maisuksok sa katawan at ibato sa kanya. Sanay na siya. Sanay na siya.

Kaya lang, dahil tao lang naman siyang maituturin, napapagod din siya. Napapagod makisakay sa lahat ng paghihimutok na oo-ohan na lang para matigil na. Napapagod na paulit-ulit magpaliwanag ng mga bagay na dapat ay malinaw naman. Napapagod na magpanggap na walang nangyayaring hindi kaaya-aya para lang hindi mabagabag bago matulog bawat gabi. Napapagod na sadyang hindi makialam sa mga problemang sana’y isinasabahagi sa kanya. Napapagod na mapagod.

Bakit ganoon? Bakit may mga taong pakiramdam nila na sila lang ang nahihirapan sa buhay? Iba naman kasi yung nag-iinarte sa lahat ng panahon at pagkakataon kaysa nananahimik lang at parang walang inaalala, kahit na meron. Iba yon.

Siya…ay madaling makalimot. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya naaalala ang sakit na idinudulot sa kanya ng masang Pilipino. Tahimik niyang tinatanggap yon dahil may takot siya na pag umimik siya ay lalala ang problema.

Kaya’t ang lahat ng bagay ay itinatapon na lang sa hangin, at kung susuwertihin, ay mapupuwing rin.

Pero ayos lang naman. It’s worth it.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home