Monday, February 27, 2006

Pamatay

Cute ang aso ko, sa totoo lang.

Image hosting by Photobucket
Yebah!

Yan lang naman ang inaatupag ko sa mga nakaraang araw. Wala kasing pasok dahil national emergency dito. Wala namang malaking gulo, pero emergency raw. Kaya ang dapat itanong ay: national emergency o personal emergency? Para sa isang taong desperadong nakakapit sa posisyon, hindi na siya marunong magpasimple.

Nagkakagulo na nga dito. Hindi naman natutulungan ng media na matapos ito, kundi dinadagdagan pa nila dahil sa mga maling interpretasyon at pagkaka-sensationalize ng mga balita. Hindi rin nakakatulong ang taong bayan dahil ang lakas nating maki-epal. Tuloy, imbes na kumalma ang sitwasyon, lalong nagiging tensyonado.

Oo nga't karapatan nating ipaalam at malaman, pero iba na kasi ang pakikialam. Pakikialam, sa dunong na nagkakaroon na ng negatibong epekto sa sitwasyon ng bansa. May pakikialam na positibo, at yun ay ang patungo sa tunay na pagbabago na makakabuti sa ating lahat.

Ang tanong: ano nga ba ang makakabuti sa atin? Itanong mo sa gobyerno at sa tao, mangarap kang pareho ang sasabihin nila.

Sa huli, kung sino ang may pinakamalakas na puwersa ang magdedesisyon ng tama. At sa ngayon, dalawa lang ang kinatatakutan ko: kung anong klaseng puwersa ang gagamitin at kung anong tama ang ipapasunurin.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home