Thursday, March 23, 2006

Astig Magparinig

Hindi ko lang alam kung matatawa ako o magtataas ng labi sa isang perpektong sneer pagkabasa ko ng dalawang blogang astig magparinig.
Hindi naman sa nakikialam, pero yun nga, nakikialam ako. Kasi, magaling pala ako manghula. Ang tagal ko nang nasabi sa iyo to ha! Ano ba akala mo, kung hindi ka kikibo walang mangyayari? Kung ganoon lang kadali, ba, kokonti na lang ang eepal sa mundong ibabaw dahil wala nang papansin sa kanila!
Kaya nga...nangyari na. Pano na?
Hindi naman siguro ganoong kadaling pabayaan mo na lang yung tao.Kahit paano, naging magkaibigan kayo. At ikaw! Oo, ikaw! Napunta na rin ako sa kalagayan mo. Nagawa ko na rin yang ginagawa mo. Pero sa totoo lang, kung ang isang tao ay sapat ang halaga para sa iyo para saktan ka ng ganyan, hindi mo siya dapat binabalikan ng parehas na kalbaryo.
Wala akong kinakampihan sa inyo. Gusto ko lang ipaalala na nasa kolehiyo na kayo. Kung sapat na ang edades niyo para sa mga sakit sa puso, hindi naman siguro makakasama sa kalusugan niyong magkaroon ng ilang sakit sa katawan.

Ano ba, suntukan na lang. Karate niyo naman bukas eh!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home