Ulan, Ulan
Ano ba ang meron sa ulan? Romantiko at misteryoso ang dating nito. Kani- kanina lang ay ayos lang ang aking nadarama, pero ngayon, pagkabuhos ng milyon- milyong malamig na karayom ng tubig, nalulungkot ako.
Bakit nga ba umuulan sa gitna ng Disyembre? Turo ni Ms. Jenny noon sa Sibika na kapag Disyembre, dry season sa Pinas. Pero bakit basa ngayon ang bagong sampay na damit sa gilid ng bahay namin at bakit ako nababalot ng lagim na hindi ko mapaliwanag?
May problema ba ako? Wala naman. May quiz sa Pyscho sa susunod na linggo. Marami akong na-miss na lecture sa Geo. May movie review sa Comm. Pero hindi naman problema yun ha? Hindi naman palpak ang love life ko. Wala naman akong kaaway. Malapit nang magbakasyon.
Eh ano?
PMS yata. ^.^
***
Maraming sinisimbulo ang ulan. Madalas, kalungkutan. May mga mahilig maglakad sa ulan kasi nakakahilom ng puso ang pakiramdam na mismong langit ang umiiyak para sa iyo. May mga mahilig mag- emote sa bintana. Pinapanood nila ang kidlat na dumadali sa madilim na kalangitan at mga pangakong nabulok. May iba namang ekstra korni, na sa isip nila ay inuulan at binabagyo mismo ang kanilang pira- pirasong puso. Korni nga. Korni talaga.
Pero totoo.
Para sa iba naman, ang ulan ay nagpupurga at naglilinis ng kaluluwa. Binabalatan nito ang maruming katawan ng makasalanan at pinapakuluan sila sa malamig na tubig para mawala ang bacteria.
Sa iba rin, ang ulan ay simbulo ng dinaranas at lumipas na kabataan. Para sa bata pa, masarap ang pakiramdam ng tumatakbo sa mga kalye na makikintab at walang kalaman- laman . Masaya ang pakiramdam ng walang pakialam, kahit saglit lang, sa mundo. Sa mga nilipasan na ng taon, ang alaala ng makulimlim na mga araw sa ilalim ng lumuluhang langit ay sapat na para numais pang magpatuloy sa buhay.
***
Umuulan pa rin. Pero hindi na ako masyadong nalulungkot. Matapos ang tatlong daan at apat na salita, ako ay lagay na sa payapa ng lamig at misteryo ng ulan.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home