Saglit Lang
Pasukan na naman. Nakakainis, wala ako sa kondisyon para mag-aral. Dalawang araw nang may klase pero hindi pa rin ako 'nakakaamoy ng dugo' (-Cc).
Ano nga ba ang meron sa eskwela? Nung simula, masaya. Maraming bagong bagay ang dapat pag-aralan, maraming bagay na dapat makita. Eh ngayon? Parang wala lang. Kunsabagay simula pa lang ng taon, ano ba ang dapat asahan...?
Mas gusto ko na lang pumirme sa bahay at manood ng Furuba. O kaya maglaro ng Warlords Battlecry (level 12 na ako, hah!). Tinatamad na rin akong manamit ng matino. O gumawa ng kahit ano.
Ano 'to, mid-life crisis? Ang bata ko pa ah?
O sige, End- of- 17 Crisis. Magiging gurang na ako sa February 7. Magiging opisyal na miyembro na ako ng mga taong puro grown- up things na lang ang iniisip tulad ng real estate, at stock market, at E-COLA.
Isang buwan na lang pala.
Siguro kaya ganito ang pakiramdam ko. Tumatanda na ako ng hindi ko man lang napapansin. Nasan na ba yung mga panahon na yung mga Barbie ko lang ang konsiderasyon at konsolasyon ko sa buhay? Nasan na ba yung mga araw na may ponytails pa ako at kulot pa yung buhok ko?
Hay.
Teka, ayoko pa.
Mag-pasukan.
Maging disi- otso.
Saglit lang.

1 Comments:
Man may feel lethargic at times. Man may feel he is drifting along the tides of Life. I do feel so. I have been drifting long enough and feeling empty inside. But now, I do my best to rock the boat and not be rocked by others. Kaya mo yan.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home