Saturday, January 21, 2006

Pag Ang Palay Naging Bigas...May Tumira

Hindi ko alam kung baki yan ang title. Basta magakakaroon din yan ng malalim na kahulugan pagdating ng panahon.
---
Test sa Math kahapon. Hindi dumugo ang ilong ko. Sinipon lang ako sa sobrang hirap. Sori na, bobo talaga ako sa Math. Bakit ganoon? Manganganak na lang ang nanay ko, bano pa sa numero.
Kunsabagay. I would rather have fashion sense than a Venn- Euler Diagram sense.
Tapos...
May pinanood ako kanina. Ano ba yun? Ah, yung Devilman. Japanese film. Ang galing nung effects, nawala yung sipon ko. Kaya lang bobo yata yung karakter. May power pala siya,nagpahuli pa siya sa pulis. Eh di patay yung lovey dubs niya.
---
Bakit si Pol bano sa pag-ibig? Sadya ba? May music sense siya, oo, pero palakpak naman sa katorpehan (konek...). Ayos lang yan, tol. Pagdating nang tamang panahon, mawawala rin yang tigyawat mo at liligaya ang buhay mo na puno ng pagdurusa.
---
Nakasulat sa isang armchair sa UP: Press button to eject teacher.
Kung ganyan lang ba naman kadali, hindi na ako sisipunin.
---
Isang buwan na lang pala, 18 na ako. Eh ano ngayon?

January 21, 2006, 12:11 PM.
Labing-pitong araw na lang pala.
---
Pasensya sa lahat. Patawad na rin. Hindi ako ipinanganak na may pasensya genes.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home