Araw Ng Mga Pauso
Nabobo ako kahapon. Ang daming magkasing-irog ang naglalakad ng me hawak na samut-saring bulaklak, naka-kahon pang stuffed toy, at makukulay na lobo. Kala mo tinamaan ng kung ano at hindi naalala ang economic crisis, kasi punong-puno ang mga sosyal na restawran at pinipilahan pa ang mga overpriced na rosas.
Sabi ng guro namin sa Tae Kwan Do, kung tunay na nag-iibigan ang dalawang tao ay dapat araw-araw Valentimes. Hindi mo mahihinuha na mayroon siyang ganoong kalambot na sentimiyento sa kanyang budhi, pero tama yung sinabi niya. Bakit ka pa maghihintay ng Feb 14 para ipakita o ipaalala na iniibig mo siya? Ang haba ng taon, maraming pagkakataon. Kung makikisabay ka pa, hindi ba parang artipisyal ang dating? Parang automatic na obligasyon at hindi naman talaga badya ng damdamin.
Nga lang, ang Valentimes ay hindi lang para sa mag-syota. Eto rin ang panahon na nakakapaghari ang mga torpe. Ang siste, marami kasi sa mga kalalakihan ang nagbibigay ng bulaklak o kung ano sa mga iniirog nila, syota man o hindi. Kung magbibigay si Torpe #21 at Non-Torpe #1, hindi na mahihiya si Torpe #5. Hindi masyadong pansinin, kasi nga, hindi lang siya ang nagbibigay. Kaya palakasan lang ng loob yan. Magkakaroon ka na naman ng pagkakataon na makausap man lang siya...
Ang Valentimes rin ay panahon ng aminan. Nakaka-pressure kasi eh. Ang lakas ng inggitan! Kaya sa ayaw mo man o hindi, bigla-bigla na lang magkakasabihan na "Uy, aylabyu!" ng hindi mo man lang namamalayan. Sus. Basta lang kiligin eh, susuungin ang langit at lupa.
At siyempre, ang Araw Ng Mga Puso ay araw rin ng mga suicidal. Ang mga manic depressive ay hindi natutulungan ng mga okasyon tulad nito. Ang mga butas ang puso at bulsa ay lalong nabubutasan ng pag-asa. Halos lahat naman tayo siguro ay naabutan iyan.
Kaya, mabuti na lang isang araw lang 'to.
___
Naglalakad ako ng matiwasay sa banyo para ayusin ang mukha kong dispalinghado. Pagkalabas ko, itinabi ako ng isang babae at tinanong kung nag-gigitara ako. Umoo naman ako. Tas dinala niya ako sa isang lalake at inimbitahan akong sumali sa banda. Weird. Mukha ba akong rakista?!
Mababatid natin sa susunod na episode ng...

2 Comments:
true. dumarami talaga ang bilang ng nagpapatiwakal turing araw ng mga puso.
kuya norman! kamusta na? napaparaan ka pala sa bloga ko. maraming salamat.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home