Isa Pang Kilikili Ng Kalawakan
Nakakatakot ba ako?
Oo nga, medyo pribado akong tao at hindi masyadong kinakausap ang mga kakilala ko, maliban na lang kung malapit talaga sila sa akin. Hindi ako palakaibigan hangga’t hindi ako tinotopak. May sarili akong mundo, na sa mga salita nga ni Betch, ay isang kilikili lang ng kalawakan. Pero bakit ganoon? Nakakatakot raw ako. Yung mga sinabi ko ba ang kategorya para maging nakakatakot ang isang tao?
Maaari.
Weirdo ako, aminadong aminado ako. Hindi ito sadya. Hindi ito likha ng matinding pagnanasang maging ‘kakaiba’, sa mababaw na dahilan na uso ang maging kakaiba. Ganito lang talaga ako nahubog. Weirdo. Introvert na hindi naman mahiyain. Masayahin na mukha namang malungkutin.
Siguro dahil hindi ako lapitin ng tao ay dahil mukha akong palaging galit, o malunkgot, o magkahalo sa dalawang yan. Pero isa yang malaking pagkakamali. Wala pa sa mga kaklase ko ngayon sa kolehiyo ang naabutan pa akong totoong galit, o totoong naghihinagpis. Kapag binato ko ang mp3 player ko, sana ay isipin nila na maliit na bagay lang yon, at hindi tunay na bato na nakasanayan ko na. Kapag nakita nila akong naluluha, sana ay hindi sila masyadong siguradong napakalaki ng problema ko.
Sabi nga nila, nasa loob ang kulo ng ibang tao.
Isa ako sa mga mokong na iyon. Sa nagsasabi, at sa populusyon.
Siguro yun na nga. Sa pinaglalagian kong kilikili ng kalawakan, walang nagagalit, at walang nalulungkot ng sobra-sobra. Kung meron man, hindi rin nagtatagal. Kung meron man, hindi pinapakita.
Kaya lang, kapag lumampas sa kakayanan na itago ito sa pagpapanggap, masama ang maaaring mangyari.

1 Comments:
Makikinig ako sayo. Lahat ng sinabi mo tama. Gagawin ko po yan, lizzie.
Umm, may isang tanong lang po ako. Based from experience po ba 'to?
Hehe. Ingats lagi. :-) I love your voice when you sang for me and Andy yesterday. Haha. Tnx.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home