Tuesday, September 20, 2005

Sawi Ka Ba?

May isa akong matalik na kaibigan na tila sawi palagi sa pag-ibig. Wala namang problema sa kanya--- mabait , matalino, pasensyoso at sabi ng lola ng klasmeyt ko dati, guwapo. Pero bakit ganoon? Kapag nagmamahal siya, kahit kalian hindi siya nagkulang, ngunit hindi siya minahal nang kahit sino sa mga inibig niya, liban sa isang babae.
Nagkagusto siya sa isang matalinong babae nung second year. Maganda siya, masayang kausap. Kaya lang nasulot ito nang matalik na kaibigan niya.
Nung third year, nagkaroon siya ng kasintahan, kaya lang nagpunta ito sa New Zealand para manirahan.Hanga ako sa lalaking ito noon. Isang taon mahigit silang nagtagal, pero talagang hindi sila takda sa isa’t-isa.
Nung fourth year, nabaliw siya sa isang babaeng matalik ko ring kaibigan. Maganda ang babeng ito, payak, masayang- masayang kausap. Pero hindi siya ang laman ng puso nung babae, at sa huli, matapos ang isang taon mahigit, sumuko rin siya.
Ngayong first year college, TBA pa rin yung balak niyang ligawan. Hindi alam nang babaeng yon kung may pag-asa ba siya o wala.

Bakit ganoon?
Minahal ko siya dati. Nandoon ako habang nasasawi siya sa lahat nang babaeng inibig niya. Narinig ko ang lahat ng hinanaing niya, tahimik, nagsasabing kung kaya mo pa, go! Pero sa loob halos murahin ko silang lahat, saksakin sa baga, kahit ano, dahil sobrang tanga nila. Eto na, may gagong nagmamahal sa inyo, na hindi kayo pababayaan, na hindi kayo sasaktan! Pero sadyang bulag ang mga tao.
At palagi, sa huli, kapag wala na ang matalik kong kaibigan sa tabi nila, saka lang nila malalaman na tanga nga sila.

Ako naman, sa sarili ko, nagtanong,,,ano ba ang wala sa akin? Iyan ang pinakamalupit, pinakamasakit, pinakatanong na hindi maiiwasan na gumapang sa isipan.
Natanong mo na ba sa sarili mo?
May leksyon ang kuwentong ito: ang sayo, sayo. Ang hindi…
Sino ba naman ang gustong iwanan ang minamahal? Sino ba namang ungas ang sadyang sasaktan ang sarili? Pero minsan, kailangan. Kapag ayaw niya sa iyo, wag mong pilitin. Kung iniwan kang nakasabit sa puno, tanggalin mo yang t-shirt mo sa sanga tapos wag mo nang habulin. Sa mga taong sawi, wag niyo lang isentro ang buhay niyo sa isang taong hindi naman kayo pinahahalagahan. Madaling sabihin eh, mahirap gawin, pero pag gusto, may paraan.
Pag ayaw, may dahilan. (©Manoy)
Hindi hinahanap ang para sa iyo, dumarating yan. (©Paul)
Buksan lang ang mata. (©Lizette)

Tignan niyo ako, nung sinabit ako sa puno, hindi ko lang hindi hinabol, tumakbo ako sa kabilang direksyon!
At may nakabangga ako…

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ABCNews.com Adds Correspondent Blogs
ABCNews.com Adds Correspondent Blogs : Given ABCNews.com's trendiness in other online areas -- podcasting, PSP, Mobi.TV, etc.-- it's a little surprising to realize that the network is only now touting blogging ...

Jerry Wilson
Editor & Producer
Vegas Buzz News / Radio
www.vegasbuzzz.com
www.vegasbuzzradio.com
www.vegasnews.squarespace.com

5:45 AM  
Blogger Kristoffer said...

dapat tinanggal mo rin yung tshirt mo!=p joke. tnx ha.

7:06 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home