Saturday, June 03, 2006

Despedida

Sabi ni Paul ang despedida raw ay parang birthday party pero walang happy ending. Or so. Pero pano nangyari yon? Oo, hindi mo na nga makaksama yung tao, pero hindi naman siya mawawala. Lalayo lang. Hindi ko alam kung bakit nakakalungkot yon.
---

Malapit na namang magpasukan. Hindi ako excited, tulad ng dati. Tinatamad na akong lumabas ng bahay o gumawa ng kahit ano. Ayoko na ring mangako sa sarili ko tungkol sa kahit na ano. Futility. That's the word. Normal ba sa lahat ng tao ang dumarating sa puntong wala nang punto? Parang east of the sun and west of the moon. A spot like that doesn't exist. Where I am now, doesn't exist.

Hindi naman ako nalulungkot. Hindi rin naman ako ganung kasaya. Parang, wala lang. Futility.

Nakakainis naman. Nakapag-despedida na pala ako, hindi ko man lang napansin. Despedida? Despedida palayo sa sarili ko. Sa realidad. Naglakbay ako sa isang lugar na kung saan lahat ng bagay ay walang halaga. Yan ang despedidang nakakalungkot.

Nakokornihan ako sa sarili ko. Tama na.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home