Namumuhi Ako Sa Mga Shampoo Commercials
Mahalaga sa bawat babae ang kanilang buhok (maliban na lamang kung ikaw si Betch or some other rare sub-specie). Dinadala nila ito sa hair spa (ine-exercise ba ito?), hino-hot oil (piniprito ba ito?) at siyempre, sa may pera, pinapa- rebond (yan may sense na).
Pero ang pangaraw- araw na maintenance ay nakasalalay sa shampoo na ginagamit natin. Ang importansiya ng isang tao sa kanyang buhok ay proportional sa importansiya na ibinigigay niya sa shampoo na ginagamit niya.
Marami na ang naglabasang brands na kung anu-ano ang ipinapangako sa mga shampoo commercials. Marami na ang gumanap ng role na I’m-stupid-look-at-me-flip-my-hair-with-my-mouth-wide-open, pero isa lang ang pinagkapareho nilang lahat.
Ginagago nila tayo.
I mean, napanood niyo na ba yung commercial na “Hello, trainees po kami dito…”? Ang obvious kaya na computer graphics o CG yung hanggang pwet na buhok nung babaeng napagkamalang manager! Eh yung kay Angel Locsin sa Head and Shoulders? Manood nga kayo ng Darna (aba, teka lang, nabubuko yata ako?!). As I was saying, tignan niyo nga si Angel Locsin sa Darna, shiny nga yung buhok niya, pero mukhang spaghetti na nabulok sa ref pagdating sa volume! Ibang usapan na pag siya si Darna dahil doon wig na yung buhok niya.
Isama na rin natin yung gimmick ng H&S na proven na makakatanggal daw ng dandruff according to the “American Testing Center”. Porket ba American yung testing center eh katibayan na iyon? At ano nga ba yung American Testing Center na iyon? Have you heard of it before they mentioned it? Credible ba to?
At napanood niyo na ba yung sa Pantene, yung parang dinaanan ng twister yung buhok nung babae tapos pag labas ng cr eh akala mo sinuklay ng isang libong beses? Pati yung grow your hair 2 cm in every 7 weeks? One inch ang tubo ng buhok every month ha! Gagamit ba kayo ng shampoo na mababawasan ng mahigit 50% ang pagtubo ng buhok niyo sa loob ng halos dalawang buwan?
Wala namang problema sa puntong “hindi kapanipaniwala”. Ang issue marami ang naniniwala!
Mabenta pa rin yang mga hoodlum na shampoo na yan. Marami ang nauuto sa mga pangakong magiging shiny, manageable, longer at soft yung buhok. Yung iba, natutupad naman. Pero they blow it out of proportion sa commercials. Ang siste, kung ginagago nila kayo sa commercials pa lang, pano pa kaya sa mga produkto nila?
Kunsabagay, mura lang ang mga shampoo na nag-aadvertise. Sa lagay ng ekonomiya natin ngayon, sino ang bibili ng St. Ives, Citre Shine, L’Oreal o kaya Mane n’ Tail? Epektibo nga ang mga brand na ito, ang problema, malulula ka sa presyo. Dito na papasok ang quality vs. price. Bilang isang konsyumer, dapat kaya ninyong timbangin at alamin kung ano ang handa kayong isakripisyo pagdating sa isang produkto. Kaya niyo bang pagtiyagaan ang mura pero balasubas? O ang katiwa-tiwala pero mamahalin?
Hindi ako pwedeng magdesisyon para sa inyo, pero sa akin, yung mahal na lang basta gumagana ang papatulan ko. Para sa akin gumagana ang Citre Shine. Wala silang commercials, pero tulad nga ng sabi ni Mel Tiangco sa commercial niya, hindi na kailangan mag-advertise. Meron na silang reliable market na alam na epektibo ang kanilang produkto. (I am not paid for this advertisement. Sayang.)
Hindi lang nag-aapply ang pagiging consumer- smart sa mga shampoo, kundi pati na rin sa lahat ng binibili niyo. Mataas na ang umento ngayon eh.
Kung gusto niyo talagang makatipid, gamitin ang body wash na parang shampoo, katulad ng isang rare sub-specie na kakilala ko.

3 Comments:
i use citre shine *stupid smile*
and if you want to save, use tartol wax!
Mane n Tai is effective? It only made my hair drier. x( But I am a subspecies of betch so I don't really care about my hair...although I hate it when I get bad haircuts. XD
...I meant Mane n Tail T_T;
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home