Wag Kang Lechitas
Nagagalit ako pag napapanood ko yung commercial ng Sigaw ng Bayan kampi sa Charter Change. Yun yung commercial na may naka-belong itim na (supposedly) ay OFW tapos may dugo yung kamay niya habang umiiyak at nagmamakaawang matuloy ang Cha-Cha.
Oo, nakakaawa ka na. Babae ka pa man din. Pero bwisit ako sa iyo dahil ang bobo mo. Ano ba ang gusto mong palabasin? Na ang Cha-Cha ay mabibigyan ang bansa natin ng make-over? Ano ba ang akala mo lechitas? Na mababago ng Cha-Cha ang masaklap na katotohanan na ang dayuhan pa rin ang magpapalamon at magpaparusa sa atin?
Hindi ko na ipapaliwanag sa iyo ang mga probisyon na nais ipatupad at baguhin ng Cha-Cha sa ating konstitusyon. Hindi ko na ipapaliwanag sa iyo ang simpleng lohika na kahit magkaroon pa ng isang daang Cha-Cha dito sa Pinas, isang daan pa rin ang mangungurakot ng mga pangarap mo.
Meron pang isang commercial na patungkol sa Cha-Cha subalit ito naman ay taliwas dito. Ito yung may mga iba’t-ibang sector sa bansa na naglalahad ng mga masamang epekto sa kanila kung babaguhin man ang konstitusyon. Ang commercial na ito ay hindi mapalabok. Hindi ito madrama. Klaro nitong ipinapahayag ang kanilang posisyon na hindi gumagamit ng pathos. Ikumpara mo naman sa commercial ng Sigaw ng Bayan! Siguro may maiiyak pero ang mga taong kagaya ko mag-isip (at nag-iisip) ay mapapamura na lang.
Sa ibang salita, madaya ito. Ika nga, fallacious at faulty ang argumento. Gumamit ito ng Argumentum Ad Misericordiam at Ad Populum. Yung isa, appeal to pity---paawa effect ang habol nito, hence the crying and the blood. Sa isang banda naman, tinatarget nito ang majority---ito yung may mga kamag-anak at nagtatrabaho mismo sa ibang bansa. Hindi makakaila na marami sa atin ang naghanap na ng ginhawa sa katas ng abroad. Yung tatay ko nga eh, nasa Saudi ngayon.
Subalit, kailangan nating mag-isip. Hindi tayo dapat nagpapadala sa awa sapagkat sa Cha-Chang ito nakasalalay ang kinabukasan nating lahat. Cliché? Pero totoo. Sa debate, gumagamit lang ng mga fallacy pag walang magandang puntong maihayag ang kalaban. Bilang tao, pinakamadaling maintindihan ang paghihirap at pagdurusa ng ating kapwa. Kung tutuusin, mas madaling maawa kesa mag-isip. Problema dun, hindi ka pa nakakalingon, nayari ka na.
Buti sana kung ikaw lang. Eh isasama mo pa ko.

3 Comments:
This is your Paps from Saudi alright kid! If you ask for my thoughts on cha-cha, believe me kid, I AM FOR CHA-CHA!! I CAN'T WAIT TO LEARN THE DANCE!!, (it's not like "Huling El Bimbo" na `nakakabaliw/nakakatindig balahibo`) HA HA HA HA!! Labs papa
alam mo papa, bilang isang political science student, maniwala ka sakin, cha-cha is bad news. bad news. your daughter is telling you. its bad news.
cha-cha is something debatable. in the words of Plato, "Justice is in the interest of the stronger." Ergo, we are wasting millions of pesos to powder Abalos' ass and to get that enabling law stirring. So i say, let's get it on, mamon!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home