Kuwento-kuwento
Ang hassle palang sumali sa UP Panitikan. Anim na araw ang activities, at sa Saturday yung initiation. Gayunpaman, nasisiyahan naman ako. Nakaka-challenge rin, sapagakat ang mga kinahihiligan kong bagay ang ipinagagawa nila.
Sa Day 1, gagawa ka ng isang tula, essay, photo o artwork tungkol sa buddy mo. Ang buddy ay miyembro ng naturang organisasyon. Si Ate Roan ang buddy ko, at ginawan ko siya ng tulang pinamagatang 'bellyup'. Patungkol ito sa nakakaaliw niyang pagtawa. Ayokong i-post, hindi kasi ako makata. Nakakahiya sa mga tunay na manunula, hindi ba?
Sa Day 2, na ngayong araw na ito, ang topic ay itlog. Hindi na ako pwedeng gumawa ng tula kaya may tatlo na lang akong pagpipilian. Tingin ko artwork na lang. Buhay pa naman ang mga gouache ko, kahit binanatan na ito ng mga ka-block ko nung gumawa kami ng diorama ng Los Banos Raid para sa Histo 1.
Kaya...hayun.
Ay oo nga pala, kaninang umaga may nakasabay akong isang lalaking mukang siga at maangas sa bus. Nakaitim siyang jacket at ngumunguya ng gum. Mahaba at magulo ang kanyang buhok. Tinitigan ko siya hanggang makaupo siya, wala lang, trip. Maya-maya, tumayo siya at pinaupo ang matandang babae na nakatayo sa tabi niya. Ayos di ba?
Yung mga lalakeng mukhang respetable at may asal pa ang mararamot magpaupo ng mga babae sa bus. Oo, humingi kaming kababaihan ng equality of the sexes, pero ang nais lang namin ay mabura ang chauvinism sa balat ng lupa. Hindi, mga tol, ang chivalry.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home