Wednesday, August 02, 2006

Maligayang Araw

Ang saya ng araw na to. Kanina dapat sa SocSci 2, magpaparticipate ang class namin sa UP system-wide lecture via the net. Nung huli naming ginawa yon, masaya naman, may forum pa at siyempre, kung san may forum, may stupid question.

Anyway, kanina nga nasa ILC kami. 10 am dapat yung lecture, tapos ayos na, andun na yung UP Cebu, UP Los Banos at UP Open University. UP Visayas at UP Diliman (kung san manggagaling yung lecturer) na lang yung hinihintay namin. Tapos, nagka-problema ata sa connection, kaya 10.30 na, naka-tanga pa rin kami sa tapat ng projector. Daldalan.

Mga 11, wala pa rin talaga. Ang ginawa na lang nung facilitator, nagbukas siya ng isang Macromedia Flash Player presentation patungkol sa Fermi Question. Maikli lang: ang Fermi Question ay isang tanong na walang eksaktong sagot dahil ang datus na susuporta sa sagot ay mahirap o imposibleng makalap. Halimbawa: Ilan ang buhok sa katawan ni Manny Pacquiao? Ilang Pilipino ang sabay-sabay na umuutot pagkatapos kumain ng tanghalian?

Eh di yun, ang saya ng presentation, lahat kami nag-participate sa question and answer portion. Matapos ang isang saglit, nagpa-videoke sila. Yung kanta ni Billy Joel, yung may line na 'but she's always a woman to me...' Ang saya! Kanta naman kaming lahat. Walang hiya eh! Tapos yung ibang kanta ng The Beatles, Dancing Queen, When You Say Nothing At All, Show Me the Meaning of Being Lonely, at I Lay My Love On You. Ayos. Dinismiss kami ni Taguibao ng 11.30, pero makapal talaga eh, di kami umalis. Videoke...!

Tapos sa PolSci 14 naman nanood kami ng sine. Z yung title na hindi ko malaman kung French ba o Greek film. Tungkol ito sa pagtatanggol ng gobyerno sa sobrang obvious na political killings, or 'accidents', (sabi nila) na pinamunuan ng pulisya. Irelate raw ito sa current political situation, sabi ni Abaya. No problemo. Na-enjoy ko naman yung film kasi nakakatawa ito. Ironic. At ang galing ng mga aktor.

Ang araw na ito ay tunay na maligaya. =)

3 Comments:

Blogger marX said...

I attended one of that sysytem-wide lectures a month ago though I shouldn't coz I'm no Soc Sci2 stud. Hehe.. Ako umattend for my roommate na di kaya makaattend. Nakita ko yung ibang UPM people. Masaya nga..

Sayang, ibang lecture yung sainyo..

4:25 PM  
Anonymous Anonymous said...

hehe.. bakit parang ang saya ng classes mo? :P -mary

6:08 PM  
Anonymous Anonymous said...

You have an outstanding good and well structured site. I enjoyed browsing through it » » »

8:13 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home